Locanto Reviews & Complaints
Reported By: Adrelene Yoon
Contact information:
Locanto
Josie or Jonnalyn/ Jonna Lim is a scammer. Di na nagreply sakin kasi nakuha na niya ang pera at blinock ang number ko. Di ko siya matawagan at macontact. Pati yung email ng “secretary” kuno niya di sumasagot. May nalalaman pang secre-secretary, eh parehas naman ang format ng pagtatype nila. Sana iwasan niyo ang taong ‘to. Nag papaupa siya ng bahay sa baguio. Sinasabi niyang malapit lang sa burnham park. Sa legarda Rd daw. jusko nakita ko yung iba niyang pinaupahan ang description ay malapit din sa burnham park. Wag kayong magtitiwala sa taong yan. ito ang number niya.[protected] please beware . umutang pa ang mama ko para lang makapag down agad ngayong araw tapos lolokohin niya lang kami? wow. nung tinatawagan ko siya busy ang number. yun pala blocked na ako. pero nung tumawag ang mama ko sa number niya nag riring. wow ha. pagkatapos din ng ilang rings di niya daw sinasagot. pagkatapos nun wala na, blocked na din ang mama ko. Galing mo po kung sino ka man. lakas ng loob mong magsend ng voters ID mo ha. Jonnalyn Co Lim. tandaan mo. dadating din ang karma sayo. sinabi mo saking nasa meeting ka mga 9am. last kang nagtext sakin ng 4pm sabi mo nasa meeting ka parin. hanggang alas sais ng hapon wala parin. sobrang haba naman niyan miss. sana mahuli ka na. pls locanto sana tigilan niyo na ang pangloloko samin. isa pa kayo. di kayo mapagkakatiwalaan!